Monday, February 16, 2009

prom? o prom? bsta prom

Pebrero Uno pa lang ay dama ko na ang hangin na dala ng Balemtimes
Wala man akong pares o kahit valentina man lang ay d ko inalala ang bagay na ito
tama na sa akin ang pa text text sa mga kakilala at sa mga hindi
sapat na sakin ang pahiga higa at paligid ligid sa maliit kong kama
d man masyadong nakakatuwa ang pebrero ko ay nakakaraus naman


Pebrero Uno, Unang araw ng Hindi Bagong taon. Sa wakas, tapos na ang Enero. Ang periodikal na pagkahaba haba, na di naman tuloy sa simbahan. Tapos na ang buwan kung saan may nangagaroling pa rin at sabi " mayng bag-0ng tuig". Abay naloko na..Bawat okasyon may karoling na bang talaga? Tapos na din ang buwang naisusulat mo pa rin ang 2008 sa papel mo dahil nakasanayan na. Tapos na rin ang enerong pa ra bang kahapon lang nangyari.

Ngaun, Pebrero Uno, Di ba kanina pa akong nag pebrero uno? Di bale na. Pebrero, Buwan ng mga puso? wala pala ako sa buwang ito. wala kasi akong puso. Pwera biro. Pebrero, ang napaka habang buwan. 28 days lang.. at kung minsan pahabain pa natin. nagiging 29 days din..pero ganun pa rin mahaba. Ang pebrero. Buwan ng, meeting para graduation , sa wakas, tapos na ang hi skul.. TEKA, makakatapos kaya kami? abay malay ko. Pebrero na!, Prom din ata.

Nabanggit nga lang naman natin ang prom. Ano nga ba ang dahilan bat may prom? Pag pasa daw sa mga responsibilidad ng mga senyor sitisen sa mga junyor sitisen. May ganun?? ahaha..ewan ko sa iba. Pero wala akong pananagutan sa aming paaralan.

Ang prom din ay, gabing puno ng kantahan, sayawan at ka OAhan. Di sa pag iiyak o sa pag pa prom king or queen. Dahil sa mga speech ng mga dapat mag speech. May ibang speech na nangangalahati sa pag rolkol sa mga gurong nandun sa ebent na yun. " Good ebning ebrewan, to miss TOOT, at Mr. TIIIT, at saka kay miss TOOOT, at kay MRS. TOLALIT, pag ginawa ko ito, mauubos din ang oras nio sa kababasa. At sumunod naman ang isa pang Speech na parang walang pinagkaiba sa naunang speech. Good ebning din ang drama, at may rolkol din. Naku naman, Gabi na. At sa kasiwaang palad. May susunod pa.


Pagkaraan ata ng dekadang Speech ay sa wakas, ay di pa pala, kala ko kakain na, may sayawan pa pala.. May Sayaw kaming hinanda sa prom. Ngunit sa pag dating sa puntong iyon. Nasira ata yong Sound System. ABA! Bulok naman ito oh, d ko matiyak kung anong nangyari sumunod. Nakita ko nalang nga may balloon na hinagis dito. At sa laking gulat ko, may isa pa doon. At parang nag dilim na ang aking pananaw ng nakitang kong nag liparan ang mga lobong para bang ano. Nag tawanan ang iba. ang Iba ay di ko madrowing ang mukha. Hala! Sayaw lang ako dun. Sa tabi. D ko alam kung saang tabi un. di ko kasi alam kung saan ang Harapan.


Tapos na ang unang sayaw, ang lahat ng lalaki ay naguluhan kung saan nga ba ang pwesto. abay laking demalas nga naman oo. Di ko talaga alam kung anong gagawin. Kaya sumigaw na lang ako.. DISCO!! kaya yun. Ang pag eesanyo namin ay nauwi sa kabulastugan at kawalang hiyaan.

Sa wakas , Tapos na ang panahon ng pagpapakasala, Dumako na kami sa oras ng , ehh, LOVING2. Ano daw? Loving2? Yun ata yung pares2 ang mga taong di magkakilala at sumasayaw ng sayaw na di ko alam kong anong pwedeng itawag.

3rd year boys at 4th year girls. D ko matanto kung sino ang 3rd year at 4th year.. Ang Laki ng mga 3rd year. Di ko ma take. Kung sino ang mas matanda. Kung pag babasehan ang Mukha, halatang ang mga babaeng 4th year ang nakakalamang sa katandaan.Ngunit sa height ai parang dehado ata.


Ngayon Lumabas na ang 4th year boys at 3rd year girls sa dancefloor.
Napakabilis ng pangyayari. Unang Pares ko ay maganda. Tapos pagkaraan ng ilang secondo ay. iba na naman. Aba, Swerte din to ah. Hawak tayo ng kamay sa di natin kilala. ahahaha...


Pagkatapos ay dumating na rin ang, Retrospection. Un bang nagpapabalik ng kahihiyan nio sa mga nag daang taon. At sinali pa ang mga teachers sa modos na ito. Mga wala talagang modo.


Tapos naman ay ang, Last will and Testament, Para talagang mayaman ang dating, eh ang ipamana naman ay, Sirang Kompyuter, Sirang Clasrum at ang Asong si switsi. Di na tayo nahiya. Wala man lang pamanang pwedeng masanla.


At binitin pa kami sa aming Kain. Nag insert pa ng que Sera sera. Nagka sira sira na ang aming tyan sa kakahintay ng mainit at MASARAP na pagkain. Natural lahat ng pagkain ay masarap sa taong gutom.


Ang que sera serang di ko kayang pakinggan dahil sa di ko talaga marinig dahilan sa sound system na parang panahon pa ni hitler na buo. At sa nag basang di ko Marinig dahil ang Mike "mikropono" ay parang isubo na lang dahil sa gutom.



At biglang nabuhay ang loob ng mga taong nagpapatay patay na sa gutom ng i anawnz na" pwede nang kumain" lahat ng numero 1-10 ay pumunta na sa buffet".. Sinilip ko ang aking numero at akoy namatayan uli ng loob. Number "49" sabi ng Cartolinang may tatak sa likud na "certified true copy" ano to Report Card? .. Nag antay ako. Narinig ko sa Sounds na.. 11-20 sa buffet. Aw, parang sumisigaw na ang alaga kog Flat at round characters ko sa tiyan. 21-30.. Naku Malapit lapit na rin. At dumating din. Sa kasawiang palad. Para bang humupa na ang tensyon sa tiyan ko at nawala na ang aking pag ka gutom. Sa aking pagka tamlay, ininum ko ang tubig at pumunta sa buffet. Kandos dito at doon, Nag nag mistulang Payatas na ang plato ko ay dali dali akong umupo at humabhab. Kaka habhab ko pa lang ay tapos na ang mga ka table ko. Mga Potassium kau! Di kau nag hintay. Alam ko gutom kau. Pero ano ba naman Tabel Manners yan?
ahaha



DISCO NA!! SIGAW NG MGA BUSOG NA MAG AARAL!!


unang Kanta!! ano nga ba yun.. Parang remix ata nang ewan ko kung ano. May pa Boys CHOICE pang drama. Pili kau ng Babae. At sumayaw kau.


tapos na ang Sayawang lalaki. Ang Babae na naman. Pili ng lalaki.

Aba di ko alam kong bakit wala kaming mga pares na babae.

E sa dinami rami ng babae .. Wala kaming Pares. 1:10 ata ratio namin.

ay nalaman ko nalang na ang mga babae ay sumasayaw ng walang kapares.

abay Marunong silang dumiskarte ah..




Ayun!!


Humupa na ang tensyon sa para bang basilan na dancefloor. Umupo kami at uminom..Ng tubig.. D nagtagal ay dumami na ang Kidlat . Ng mga camerang night vision at sa mga posing na di mo malaman kong pang tao o pang hayop. May Dungaw dito at dungaw doon. May peace sign dito at doon.


nag akoy tumalikod nakita ko ang madla ng taong akala ko ay nananood lang. Di pala mga Parents pala ng mga batang 4th years. Sila ay tahimik na nakatingsi at nanood sa anak nilang tila ba nasa Playhouse ni dora. Di ko alam kung bakit sa lahat ng taon ngayon pa nila naisipang kunin ang kanilang mga bata. Nakalimutan nio ba sila sa Costumer service area?



Pag hupa ng Barilan ng Mga camerang nag plash plash plash. Ay Nag anawnz na din sila na tapos na ang prom.. TApos na ang pROM??

abay di ko namanlayan.

Anong oras na nga ba yon. Di ko na alam.



Bsta nagdasal kami ng kanta. Kantang dasal O ano pa jan.


tapos sa walang sabi sabi. Nag uwian kami. Naglakad ng matulin at sumakay ng sasakyang walang laman. Walang anuman. Walang pakialamanan ang tirada.



HALA CGE.!! ULI NA MO...UGMA NAA PAY KLASE

No comments:

Post a Comment