Monday, February 16, 2009

isang araw na naman ang lumipas

Unti unti na namang sumikat ang araw. Para bang nahihiyang lumabas, at ayaw pa ata talagang magpakita ng ako'y namulat. Pinahid ko ang motang dumikit sa aking mga mata. Ako'y umupo at dumungaw sa labas ng bintana. "Umaga na bang talaga?" tanong k0 sa sarili. 5 mins na lang, at ako'y natulog uli. At para bang ako'y nanaginip ng gising ng marinig ko ang kaingayan ng aking inang sumisigaw ng malambing, "paul may pasok ka pa".At sabi ko sa sarili ko "ano ba naman to oh, kaka tulog ko lang,,%^$^&.

Ako'y tumayo at naglakad ng mas mabagal pa sa pagong na pilay. At ako'y nag suot ng tsinelas kong pudpod na. Habang unti unti ko uling binuksan ang mga mata. Nakadungaw sa aking harapan ang tila ba naka tiwangwang kong mga damit na kagabi ko lang nagamit. Naisip kong ilagay sa bayong. at ako'y lumakad na sa banyo.


Doon akoy umupo sa "bowl". Umiglip at natulog. Bigla na lang kumatok ang kapatid ko't sinabi "hoy!! bilisan mo" at ako'y naligo na sa wakas. Giniginaw pang kinuha ko ang sabon at gugo sabay kanta ng "oh lumipat ka!! kung gusto mo akong halikan, d kta sasawayin." mali mali man ang liriko ay kanta pa rin ng kanta. Tapos na akong kumanta at tapos na rin ang pagligo ko sa sarili. Akoy nagtapis at lumabas sa banyo. Di maiwasang murahin ako ng aking kapatid dahil sa kabagalan ko. Di ko naman ginusto na mauna akong gumising sa kanya. Pero di na tayo pumalag dahil wala tayong laban.

Ako'y nagbihis ng Uniporme at nag suot ng sapatos kong d naman talaga dapat pang eskwela. Chuck taylor na brown at maong na brown pants. Halos di na nga ako papasukin ng guard. Pero tuloy pa rin sa pag suot. Pagkatapos magbihis ay kumain na ng almusal na para bang kahapon ko pa natikman. TUNA na naman. Bigkas ko ng pabulong. Kung hindi man tuna ay itlog na hard boiled at tocinong linuto sa microwave. Ay ewan ko ba. Siguro masarap to, pero sa paulit ulit kong tikim ay parang ayaw ko na talagang kumain ng almusal. At yun nakaraus na rin ako sa almusal.


dahil malapit lang ang paaralan ko. Naglakad na ako. Dala ang Bag na walang laman kundi bolpen at isang notebook. Ako'y nag lakad ng walang iniintinding kahit na ano. Depende sa panahon.


Dumating sa Classroom at nakitang walang tao sa labas nito. Akala ko umpisa na ng klase pero , 6:45 pa naman. Ah!! ganun pala, Gumagawa nga pala ng outline sa ad chem ngayon. ewan ko ba kung para saan un eh wala naman kaming natutuhan sa outline. Pero talagang minamarkahan ito. Kaya komplay na lang din ako.


7:00 na. at simula na ng Bayang magiliw,, este,, Lupang Hinirang.. Tapos ay ,, Panatang makabayan, na sa tagal ng binibigkas ay wala pa ring pangakong natupad. Idagdag mo pa ang panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, na parang nalumaan na ng panahon.Tapos ay may Alma mater song pa na di ko naintindihan ang liriko. Buti na lang nakakita ako ng kopya. At bertday greeting na pagka monotonos. pabalik balik na mga salita.


ayun.. klase na! ngunit klase na bang talaga? Eh, mga 20 mins pa tayong maghihintay sa Math teacher natin. kung di siya late, Di din siya present. Twing test lang ata siya maaga. pero ganun pa man. Magaling siyang magturo.

8:20 na , Ad Chem na, Ano ba ang ginawa ng kabilang section sa Ad Chem? Un ang lagi kong naririnig, Dahil ito ang aming basehan sa kung anong magagawa namin sa umagang iyon. Pero minsan naman ay wala kaming ginagawa. Pero talagang May test pag end sa chapter. Kahit gaano pa siya kaminsan pumasok. Di nya kayang kalimutan ang test. Kalimutan na ang pag pasok bsta wag lang ang test. Ewan ko ba dito. Nakakaloko...


9:20. Filipino, Relax na din sa wakas. Di sa walang ginagawa oh di siya pumapasok. Talagang di kami gumagawa ng gawain at parang wala din sya kahit pumasok man. Pangiti ngiti lang. At para bang walang ano man. dahil sa pag pasok niya..lalabas din siya agad. 36 na minuto lang kasi.

RECESS!!

alam niyo na ang modos jan.. Kain ng Lunch, Kupit ng chichiria, at palibre sa mga kaklase. Minsan ay nag tatawanan lang sa silid. Minsan may nag stemiki sa mga lugar sa silid na blindspot sa labas. Minsan din ay may mga taong sa labas nag tatambay para mang libak ng dumaraan. Nang bibiktima ng Lower years oh kayay nagpapacute sa mga crush nilang d hamak na malayo ang agwat sa kanilang katandaan.

Calculus na naman... Di ko kayang tumingin sa mga mata ng aking guro. Baka kasi makita kong mahulog ito at ayokong pulotin ang malaki nyang mata.. KADIRI ata nun eh...


Physics.. Ang tanong,, Nanjan ba si miss?? Wala nga. pero tunilada naman ang gawain, Sagutan dito Sagutan doon. AT test dito,...Test duon..



LUNCH!!dahil tapos ng mag lunch ang iba.. nag susungka na lang ang mga ito. AT sa mga di pa nag lunch dahil abala sila sa recess sa pag papa cute at pagtriping. Oras na ng kanilang kainan. Ang iba ay patuloy parin sa pagpapa cute. Tila ba ang araw niya ay nakatuon sa pag pa cute. ang iba ay naglalaro ng basketbol ang iba naman ay nag iinuman,,ng ice tea..


AP na...sa tuwing AP period. Talagang d kumpleto ang araw pag walang miss ailen na dumating. Para bang nakasanayan na lang na siya ang konsistent na pumapasok sa aming room. "CLEAN YOUR ROOM GRADE 1" yan ang katagang madalas nyang sabihin.

MAPEH AT TLE...
anong oras nga ba to? D ko matanto dahil iisa lang ang Guro sa dalawang magkasunod na subject na ito.. Lagi din nyang sinasabi "clean your surroundings!! It's mapeh time.."

ENGLISH..

Ang doctor nating lahat na..Huling Subject na din to..weeeeee... Di man masyadong maganda ang diskusyon ay ganado ang mga mag aaral dahil sa pagmamadali nilang matapos ang araw.. "okay word for the day and recap" yan ang lagi nyang bigkas. "okay class dismissed" at yon...ang nagpabuhay sa matagal ng bagot na mga mag aaral.


may mga sideline pa ang iba "hoi panglimpyo na mo!!"

kung minsan naman ai..

"wa pa manguli kay mag meeting"

at iba naman ay "kinsay nagkuha kong libro ad chem oi?"


pero ano man ang drama niyo

lahat ay galak na ang araw ay papatapos na..


papauwi na rin tayo at nadaanan ko ang Platinum..[kabilang section]

sila ay nakaupo at nakatingin pa sa harap..


may klase pa ba sila??

uwi na tayo


at pag uwi ko...naisip ko..bukas na naman..

ganitong oras sa parehong lugar...

paulit ulit man ay wala pa ring pinagkaiba..

ito ang walang hanggang buhay xai hai..

3 comments:

  1. hahaha. abiba choii! biliba jud nako oii
    bravo bravo. :]

    ReplyDelete
  2. ayeehh... idol... (ayaw ug duol) jowk..
    mayah diay...
    hahahhaha
    cge sumpayi para nindot..
    naa qy basahun.. :)

    ReplyDelete
  3. haskang taasa..

    maauha bob ong ah!!

    diara akong comment oh..

    saonz!!

    akala mo ang ikli lng..

    akala ko magpapabukas pa ako ng

    pagbabasa eh..

    tagalog pa kaau

    tkdan jud ko ani..

    eheheeh


    two thumbs up!!

    apir beh...

    saonz!!!

    gud nyt na lng!!

    :)

    ReplyDelete